Ads

Halos 3 milyong halaga ng kasuotan ni Jinkee Pacquiao bínátíkos ni Cristy Fermin!


Tila hindi nagustuhan ng batikang showbiz insider at kolumnista na si Cristy Fermin ang mga damit na sinuot ni Jinkee Pacquiao sa laban ni Manny Pacquiao dahil sa nakakalulang presyo nito.


Mahilig si Jinkee magpost sa kanyang Instagram account ng kanyang mga OOTD kung kaya't nakilala siya bilang isang fashionista.


Hindi basta basta ang isinusuot ng asawa ng boxing champ sapagkat kalakip ng magagadang damit, bags at accesories na ito ay ang nakakalulang presyo ng bawat isa.


Nitong nakaraang linggo lamang ang naging laban ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, nabalita kaagad ang kulay pink na kasuotan ni Jinkee dahil umabot umano ang presyo nito ng halos tatlong milyong piso. 


Marami ang talaga namang namamahanga sa ganda ng suot ni Jinkee sa araw ng laban ng kanyang asawa dahil sa loob lamang ng isang araw ay milyones na ang halaga ng kanyang kasuotan.


Umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga tao at marami naman ang nakaintindi na kaya ni Jinkee na bumili ng ganitong kamamahal na kagamitan.


Ngunit hindi parin mawawala ang negátibòng komento tungkol dito. May mga hindi nagustuhan at hindi natuwa ang ginawang pag flex na ito ni Jinkee sa kanyang maganda at mamahaling damit.

At isa na nga dito ay ang batikang kolumnista na si Cristy Fermin.


Sa kanyang kolum kamakailan ay pinuna niya ang misis ng Pambansang Kamao. Aniya wala umanong kahíhíyan si Jinkee at tila walang pakialam sa nangyayari sa mundo ngayon.

“Nakakaawa si Jinkee sa mga naglalabasang komento laban sa kanya, akala raw siguro niya ay may forever, habambuhay siyang magiging reyna.” ayon sa kolum ni Cristy sa Phil Star.

Dagdag pa niya, “Wala naman siyang tinatapakan sa pagsunod sa kanyang mga kapritso, hindi naman ‘yun pera ng bayan kundi salaping naipon nila.”


Saad pa ng kolumnista wala umanong pakialam si Jinkee sa nagaganap sa mundo sa ngayon dahil sa dinami rami ng kababayan nating walang trabaho at walang makain ay nagagawa pa ni Jinkee na ipagyabang ang mga bagay na meron siya.


"Taghirap talaga dahil sa pandemya, pero hindi niya mapigil ang kanyang sarili sa pagyayabang.”

Sa huli ay may maanghang na salita pa itong binitawan para kay Jinkee, “‘Yun lang naman ‘yun. Parang hindi siya tinatablan ng kahihiyan.”



Sumagot naman si Jinkee sa kanyang IG account at sinabing,

"Some people have so little going on in their lives, they would rather discuss yours. [emoji]

Remember, people only rain on your parade because they're jealous of your sun and tired of their shade. [emoji]


God is good all the time! [emoji]"









About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento