Usap usapan ngayon ang matapang na pagsagot ni Madam Inutz kilala rin sa tawag na Daisy Lopez sa mga binitawang pahayag ng komedyanteng si Ethel booba.
Naging mainit ang isyu ng di umanoy pambĂ¡bĂ¡stĂ²s at hindi pag harap ni Madam Inutz sa komedyante ng biglaan itong pumunta sa bahay nila.
Sinabi ni Ethel na pumunta siya sa bahay ni Madam kasama ang isa pa niyang kaibigan na isa rin komedyante na si Boobsie. Sinabi ni Ethel na hindi niya balak mag vlog ng mga oras na iyon. Nais lamang niya umanong ipakilala si Boobsie kay Madam Inutz dahil fan na fan siya nito.
Pumunta umano sila dun bilang isang tao dahil ang buong akala nya umano ay magkaibigan na sila ni Inutz. Kung kaya't nagulat siya ng hindi siya labasin at hindi pagbuksan ng pinto ni Madam.
Matatandaang nakasama na ni Ethel sa kanyang vlog ang online sensation noong wala pa itong manager. Dalawang episode ito na inuplaod sa Youtube channel ng komedyante.
Sinabi pa ni Ethel na dahil sa ginawang iyon ni Inutz ay sobrang napahiya siya at gusto niyang lumubog sa kinatatayuan niya ng mga panahong iyon.
Dito na nagviral ang tiktok video na di umano'y pagpaparinig di umano nila Ethel at Boobsie kay Madam Inutz.
Pinakita sa nasabing Tiktok video ang tila ginawa di umano sa kanila nila ni Madam Inutz.
Dahil dito ay di na nakatiis at sinagot na ni Daisy ang mga binabato sa kanyang mga isyu.
Sa isang live video ikinwento ni Madam ang lahat ng nangyari ng panahong iyon. Sinabi niya na kaya umano hindi siya nakalabas ay dahil naglalive sila noong mga oras na dumating sila Ethel.
Hindi rin umano niya ito nilabas sapagkat ginagalang niya ang kanyang manager. Ayaw umano niyang magkaproblema pang muli sa kanyang management dahil nagkamali na siya noong una.
"Si ate Ethel hindi siya bĂnastĂ²s ng pamilya ko. Makikita nyo sa previous vlog ko na nakaputi akong damit, may biglang kumalampag at bigla akong huminto, ayun 'yon! Iyun 'yon! Pilit nilang binubuksan yung pinto namin."Saad ni Inutz
"So Syempre nagulat lang din ako, at syempre may mga tao rin ako dito na sila yung mananagot kay Sir Wilbert alam mo yon?"Dagdag pa niya.
Isiniwalat pa niya na noong unang vlog sa kanya ni Ethel ay biglaan lang din umano iyon at walang pasabi ang komedyante na pupunta ito sa bahay niya.
Hindi rin daw niya alam na bina-vlog na pala siya nila ethel at ng mga kaibigan nito.
"Yung pagva-vlog namin na 'yun mga inutil, biglaan 'yun. Ilang content 'yun mga inutĂl, ngayon palang ako nagkakaalam, so sana maintindihan nyo." Paliwanag pa nito.
"Kahit yung inuman nga (sa vlog ni Ethel) hindi ko alam na vlog na pala yun eh, wala akong alam mga inĂ¹tĂl na pwede palang may maging kasĂ² dun na walang ano, hindi ko alam na vlog narin pala yun."
"Pati yung lasing lasingan scripted lang 'yun, umano sya na lasing sya scripted 'yun wala akong alam dun" Saad pa ni Inutz.
Inamin rin niya na tinamaan siya ng husto dun sa Tiktok video na inupload nila Ethel dahil hindi naman daw talaga siya ganong klaseng tao.
Ang ayaw lamang umano ni Daisy ang sabihan siya sa comment section na nagbago na siya. Katulad parin umano siya ng dati ngunit may iniingatan lang umano siyang management.
Sa huli nakiusap si madam na tigilan na ang mga hindi magagandang komento tungkol sa isyu.
Narito ang mga video ng dalawa.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento