Marami ang nagtatanong at nguguluhan sa ngayon dahil sa balitang ikinasal na umano ang magkasintahang Vice Ganda at Ion Perez.
Naging maugong ang balitang ito matapos magviral ang makahulugang larawan at video na inaupload ni Ion online.
Tatlong taon narin ang relasyon ng dalawa at sa loob ng mga taong iyon ay napatunayan narin ni Ion na hindi lamang pera ang habol niya sa Unkabogable Star at tunay ang pagmamahal na ipinapakita niya rito.
Marami sa kanilang mga kaibigan at taga hanga ang nagsasabing kasal na nga lang daw ang kulang sa dalawa.
Sa isang panayam nasabi narin ni Vice na marami na siyang tinalikurang bísyò tulad na lamang ng pag inom at pag gimik gabi gabi simula ng magsama sila ni Ion sa isang bubong.
Sinabi ni Vice na ginawa niya ito dahil si Ion lang daw ay sapat na sa kanya at hindi na niya kailangan ng iba pang kasiyahan.
“Dati, ‘di ba, gabi-gabi rampa ako nang rampa. So, tinalikuran ko ‘yon.”
“Pati paninigarilyo ko tinalikuran ko. Pag-inum. ‘Di ba, hindi na rin ako umiinom. Kasi si Ion lang sapat na. Totoo ‘yon. Pahayag ni Vice.
Dagdag pa ni Vice, nagpapasalamat daw siya sa Diyos dahil ibinigay sa kanya si Ion at nagkaroon siya ng katuwang sa buhay. Sinabi rin ni Vice na mas na-appreciate niya ang lahat ng bagay na iyon lalo na ngayong panahon ng pandemic.
Kaya naman mas lalong umugong ang balita na ikakasal na sila, may ilan pa ngang nagsabi na baka kasal na nga raw ang dalawa.
Saad pa nga ni Ion sa kanyang caption, "No more Sad . Cry . and Pain .Just pure Smile. Happiness. Joy. love and LOVE."
Ano kaya talaga ang ibig sabihin ng post na ito ni Ion? kasalan na nga ba ang ending nila?
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento