Nagbubunyi ang mga taga hanga ng Youtube couple na Jamill dahil dahil sa pag anunsyo ng kanilang pagbabalik.
Sa kanilang official Facebook page na Jamill na mayroong mahigit tatlong milyong followers inanunsyo ng dalawa ang kanilang pagbabalik.
"AYAN NA NAKA UPLOAD NA HAHAHAHAHAHAHAH BAKIT KAMI NAG DELETE NG CHANNEL. LÍNTÉK NA MEDIA TO BINALITA NYO NANAMAN KAMI HAHAHAHAHAHAHAHA BALATO NAMAN DYAN HAYUP KAYO"
Dahil sa dami ng haka haka at iba't ibang espekulasyon tungkol sa kanilang biglaang pagbura ng Youtube channel. Gumawa ang dalawa ng panibagong Youtube channel.
Ipinaliwanag ng dalawa sa video kung ano nga ba ang dahilan ng kanilang biglaang pag delete ng channel.
Ayon sa kanila sobrang hirap at hindi maganda nag pinagdaanan nilang dalawa ngayong taong 2021 at hindi itong magandang taon para sa kanila.
Marami umanong mga issue ang naglabasan na talaga namang nakaapekto sa kanilang relasyon.
May isang endorsement umano si Camille kung saan ay kinailangan siyang mag counseling upang malaman ang estado kang kanyang mental health.
Doon ay tinanong na siya ng mga personal na katanungan tungkol sa kanilang relasyon na sobrang kinabigla ng dalaga.
"Naririnig ko yung mga tanong, naisip ko 'counseling ba to? parang chismisan na to ah'" Kwento ni Jayzam.
May tanong pa umano ito na kung sa Youtube nalang ba talaga sila magloveteam at hindi sa totoong buhay.
"So parang bumalik nanaman ako, natriggger nanaman" Saad ni Camille.
Kwento pa nag binata na sinabihan pa ng intervewer si Camille na para umano silang mga isda sa aquarium na nakikita ang kanilang mga galaw dahil mga Youtuber sila.
"So ayun nga guys na trigger ako, oo ako nagdelete ng channel kasi na trigger ako."
Inamin naman ni Camille na nagsisi siya sa ginawa niyang pagdelete ng channel at bumalik sa kanila ang ang lahat ng paghihirap nila noong sila ay nagsisimula pa lamang.
"Nagkakalungkot naman talaga na sa isang iglap, bakit ko ginawa?"
Sa huli ay ibinahagi ng dalawa ang kanilang mga natutunan sa buhay at sinabi nila na tanging pamilya lamang nila ang kanilang nasandalan sa gitna ng mga nangyaring hindi maganda sa kanila.
Sinabihan nila ang kanilang mga taga suporta na mag subscribe sa kanilang bagong Youtube Channel at suportahan silang muli sa kanilang pagbabalik.
Narito ang reaksyon ng mga netizen sa kanilang pagbabalik.
Narito ang kabuuan ng vlog.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento