Hindi mapigilan ng Talent manager na si Lolit Solis na magbigay komento sa mga bagay bagay sa kanyang paligid.
Lalong lalo na sa isyu nila Paolo Contis, LJ Reyes at Yen Santos.
Sa pinaka huling post ng talent manager sa kanyang Instagram, sinabi ni Lolit na hindi niya sigurado kung ano ang nararamdaman ni Yen sa ngayon at kung gusto ba nito ang ang nasa ganitong sitwasyon.
Lalo na't alam naman ng aktres ang kalagayan ngayon ng buhay ni Paolo Contis.
Ayon kay Lolit, “Ewan ko kung gusto din ni Yen Santos ng ganitong kaguluhan sa buhay niya kaya kahit pa nga alam na niya ang kalagayan ni Paolo eh Ok lang sa kanya na magamit as ‘friend’
Sinabi din ng kolumnista at talent manager ang kanyang saloobin tungkol sa mga isyung nagaganap ngayon kina LJ, Paolo, at Yen.
“Hay naku, never ending serye talaga ang istoryang ito,” saad ni Manay Lolit.
Matapang na sinabi ni Lolit na maswerte si LJ dahil sa New York ito rumampa samantalang si Yen ay hanggang bagyo lang ang eksena.
“…At least rumarampa na sa New York si LJReyes. At suwerte siya, New York ang eksena niya, pang Baguio lang si Yen Santos. Habang naka lock in naman si Paolo Contis. Tatlong lugar sila ha, iba ibang eksena, magastos sa production,” Saad pa ng manager ni Paolo.
Kamakailan lamang ay nagbigay ng kanyang pahayag si Paolo tungukol sa kinasasangkutang kontrobersya.
Ayon sa mga komento sa sorry post ni Paolo, marami pa rin ang hindi natutuwa sa kanya at sa kanyang mga aksyon at hindi naniniwala sa mga snabi niya. Lalo na ‘yung sinabing one day lang silang magkasama ni Yen sa Baguio City.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento