Ads

Robin Padilla, inaming nagalaw na ang savings ng mga anak dahil sa hirap ng buhay dulot ng pandemya!

Ngayong panahon ng pandemya, marami sa atin ang talaga namang labis na nahirapan sa buhay. Marami ang nagsarang negosyo at nawalan ng trabaho. 

Hindi lingid sa ating kaalaman na maging mahirap man o mayaman ay apektado ng nangyayaring ito sa mundo.

Kahit na masagana ang iyong buhay ay hindi maiiwasang maapektuhan ang iyong pamumuhay dahil narin sa umiiral na lockdown sa ating bansa.

 Hindi rin ligtas sa nangyayaring ito isa sa pinakamayayamang showbiz couple na Mariel Rodiguez Padilla at  Robin Padilla.

Nito lamang ay inamin ng 51-anyos na action star na may matindi silang pinagdadaanang pamilya. Kahit na masaga ang kanilang buhay ay sinubok parin ang kanilang katatagan.

Ibinahagi niya na dahil sa hirap ng buhay ay pati savings ng kanilang mga anak ay nagagalaw na nila

"Hindi lamang po kayo ang hirap, pati po kami sa aming tirahan ay masikip na masikip na ang sinturon sa pagtitipid. Ang mga savings ay naghihingalo na kaya't pati ang nakalaan para sa edukasyon ng mga bata ay nagalaw na, pero patuloy parin naming itinatawid ang mga taong nasa pakpak namin," Ani Robin.

Nakaapekto rin ng malaki sa kanilang kabuhayan ng magsara ang kanilang home network ng ilan taon na ABS-CBN. Matatandaang noon Mayo 2020 ay ipinasara ng pamahalaan ang nasabing istasyon.

Dahil sa sunod sunod na dagok sa kanilang buhay ay kinailangan nilang magtipid at magbawas ng mga gastusin upang tuloy parin ang pagpapasahod nila sa kanilang mga empleyado.



Kahit na sinusubok ay mas pinili ni Robin na maging matatag para sa kanyang asawang si Mariel at mga anak upang malagpasan nila nag pagsubok na ito. Sa katunayan, nagbukas ng bagong negosyo ang beteranang host na si Mariel upang kahit papaano'y makatulong sa kanilang pangtustos.



Nagbigay mensahe si Robin sa ating mga kababayan na huwag susuko sa kabila ng maga pagsubok na kinakaharap. Aniya, malalampasan din nating lahat ng ito.



Walang may masarap na buhay ngayon kundi yung mga nalathala na mas yumamaman noong naka pandemya pero tayong mas nakakaraming Pilipino ay tagilid na ang bangka. At ang ib ay taob na at naka sablbabida na lang para hindi tuluyang lumubog. Wag tayong susuko mga kababyang magtulungan tayo," Dagdag pa ng beteranong aktor.







About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento