Timbog muli sa isang buy bùśt operation sa Laguna ang Pilipinas Got Talent grand finalist na si Mark Joven Olvido.
Nasångkòt at nahuli nanaman sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot ang PGT finalist na si Mark Joven. Nahuli si Olvido noong Biyernes ng gabi, February 18, 2022 sa Sitio San Miguel, Baranggay Duhat, Sta. Cruz, Laguna.
Napagbentahan umano ni Mark Joven ang isang asset ng pulisya. Gumamit ito ng marked money na naagkakahalaga ng Php.500 at dito na nga nahuli ang dating PGT finalist.
Hindi pa riyan natatapos, sapagkat nakuhanan rin siya ng hinihinalang shåbù na mayroon umanong street value na Php 85,000. Naårestò naman si Olvido dahil sa impormasyong nakalap ng Drug Enforcement Unit (DEU) na siya ring dumampot sa kanya.
Hindi lang ito ang unang beses na nådåkip ng mga pulis si Olvido. Matatandaang noong March 14, 2021 ay naharang siya dahil sa pagmamaneho ng tricycle ng walang dalang lisensya.
Hindi maganda ang mga naging sagot ni Mark Joven sa mga humuli sa kanya at dito na nga nakita sa kanya ang shåbù na nagkakahalaga ng Php 2000, ito aya nakalagay sa isang pakete.
Hindi naman lingid sa nakararami na nagkaroon ng panandaliang career sa showbiz si Joven matapos siyang sumali sa Pilipinas Got Talent Season 6 ng ABS-CBN noon. Nakuha niya ang kiliti ng mga manonood dahil sa nakakatawa niyang performances ng vape tricks.
Naging cast din siya ng ilang shows ng ABS-CBN gaya ng FPJ's Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Ngunit nawala rin ang kanyang karakter ng mabago ang yugto ng longest running primetime show.
Narito ang video.
PGT grand finalist na si Joven Olvido, huli ulit sa buy-búst operation ng pulisya!
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento